Babae nagpakasal sa manika, nanganak ng manika paano nangyari?

 


Kakaibang ‘trip’ este istorya ang pinaguusapan ngayon sa social media, kung saan ang isang 37-anyos na babae sa Brazil ay na-inlove at nagpakasal sa isang lalakeng manika at ang mas nakakawindang pa dito, matapos ang kanilang honeymoon ay nagsilang umano ito ng isa ring batang manika.

Siya si Meirivone Rocha Moraes, isang babaeng dumaranas ng matinding stress at pangungulila dahil lang sa pagiging ‘single’.

Daily sa pag-aalala, nakaisip ng paraan ang kanyang ina at hindi nito hinayaan na tuluyang lamunin ng kalungkutan ang anak na si Meirivone.

Ipinakilala niya rito ang manikang si Marcelo, ‘love at first sight’ ang naramdaman ng 37 taong gulang na dalaga sa manikang yari ng kanyang ina.

Hindi na pinalagpas ni Meirivone ang pagkakataon, kaya naman noong December 2021 ay nagpakasal na sila ni Marcelo.

Isang magarbong pagtitipon na dinaluhan ng 250 kataong binubuo ng pamilya kamaganak at mga kaibigan ng dalawa at sinundan naman ng romantikong honeymoon sa isang beach sa Rio Janeiro, Brazil.

Comments